Hi y'all! Joining Jessica E. Larsen's release day blitz! Congrats on your new book, Jessica!
Read on and don't forget to join the giveaway at the bottom!
+ + +
Title: Minsan Pa
Genre: Romantic Comedy, Drama
Word count: 37,300 words
Natutong mahalin ni Neena si Yuusuke noong teenagers pa lamang sila. Subalit sobra siyang nasaktan sa bigla nitong pagkawala ng walang paalam. Sa paglipas ng mga taon wala siyang naging balita rito maliban sa mga scandal nitong nababasa niya sa mga magazines. But after eleven years, Yuusuke's back as her boss at muling pinalalambot ang puso niyang akala niya ay naging bato na pagdating sa pag-ibig.
Excerpt:
NANG nasa labasan na sila ng squatters' area ay hindi mapigilan ni Neena ang mapanganga sa kotseng itinuro sa kanya ni Isabella. Hindi nga nagsisinungaling ang kapatid. Napakagara nga ng makintab na kulay asul na kotse. Tinted ang salamin nito kaya hindi nila makita kung sino ang nasa loob, pero sa gara noon ay halos matatakot ang sinuman na hipuin man lang ang sasakyan dahil baka magasgasan. Nakontento na lang sa pagtingin ang mga tao sa paligid maliban kay Neena na patuloy ang paghakbang palapit sa kotse at kinatok ang salamin na agad namang bumaba.
Mukha ni Yuusuke ang tumambad sa kanya.
“Ano'ng ginagawa mo rito sa lugar namin?” matabang na tanong niya.
“Dinadalaw ka.”
“Hindi pa ako pinaglalamayan, bumalik ka na lang pagtanda ko.” Nagngingitngit ang kalooban na tinalikuran niya ito. Ewan niya kung bakit siya sabay na natuwa at nainis nang makita si Yuusuke. Naiinis siya dahil simula nang tapatin niya ito ay hindi na ito muling nagpakita pa. Pero ngayon namang dumalaw ito, hindi rin niya mapagbawalan ang suwail niyang puso na huwag matuwa.
“Neena wait!” tawag ni Yuusuke sa kanya. Lumabas ito ng kotse at hinabol siya papasok sa squatter. Lahat ng babae ay napalingon pagkakita rito.
Get Minsan Pa here:
About Jessica Larsen
Jessica’s not hundred percent sure what her characters are thinking, but most of the heroine in her stories love to bite her head off and fall for the guy they dislike, then blame her for their misery.
When she's not writing, you'll find her reading or creating digital art.
Jessica doesn’t like doing housework, but love hearing from her readers. She might be late at times, but she always takes the time to reply to comments and messages.